Ang galing ng lalaking nagsulat nito:
"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapa
"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapa
alala
nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung
sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi
ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung
nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga.
Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig
mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy
Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong
sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar
kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung
ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan
nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga
iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng
okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo.
Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun.
Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang
post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They
cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and
gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba
ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng
emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya
ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas
logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi
nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba
at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil
siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift
to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women
deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay
maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi,
tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail
from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon
sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na
lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at
nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka
matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang
buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing
"scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great
gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag
kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae
sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba
sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng
Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo,
napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na
magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang
pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring
umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. :)
source: philippine pie (r-18)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento